Saturday, December 18, 2010

random thoughts.1

ramdam ko ang pagparam ng langit.

hanggang sa kumindat and mga bituin 

at umawit ng uyayi ang buwan.

maluwang ang kama, 

ngunit tanging kumot ang humahagkan.


pilit na sinasalat 

sa bawat sulok nitong himlayan

ngnit di na madama ang init ng iyong katawan.

wala na ang mga malamlam na hininga.

walang makikinig sa kwento ng nagdaang maghapon.

walang kasalo sa pighimbing.





No comments:

Post a Comment